Miyerkules, Oktubre 14, 2015

RETORIKA: TAYUTAY

TAYUTAY 
Ang TAYUTAY ay isang salita o grupo ng mga salita na ginagamit upang makapag pahayag ng emosyon o upang makalikha ng mas malalim na kahulugan. Ang mga salita sa tayutay ay hindi literal,bagkus ito ay patalinghaga at ginagamit bilang simbolo.

A. Aliterasyon. paggamit ng mga salitang magkasintunog ang mga unang pantig.
Halimbawa:
1. Ang kakayahan makagawa ng katanungan ay magkakaroon din ng kasagutan.
2. Patibay, pagtotoo, pagpapatotoo ang panlaban niya sa apila.
3. Gagamit ang manunulat ng maraming aklat para sa kanyang talasanggunian.

B. Asonans. isang uri ng tayutay na nag-uulit ng tunog patinig sa alinmang bahagi ng salita.
Halimbawa:
1. Isang paraan ang pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng ating pandinig.
2. Nakapagpapalawak ng kaalaman at karunungan ang karanasan.
3.Hirap, pighati at tiisin ang tinatanaw ko.

C. Konsonans. katulad ng aliterasyon, pag-uulit:ito ng mga katinig, ngunit sa bahaging pinal naman.
Halimbawa:
1. Kahapon at ngayon kami nagbakasyon.
2. Hiyang na hiyang sita sa kanyang sayaw.
3. Hinawalayan at linayuan si May ann ng kanyang kasintahan.

D. Onomatopiya. sa pamamagitan ng tunog o himig ng salita ay nagagawang maihatid ang kahulugan nito.
Halimbawa:
1. Narinig niya ang kring kring ng telepono.
2. Malakas ang agos ng pangyayari sa bagyong sendong.
3. Maganda ang tono ng tugtugin.

E. Anapora.pag-uulit ito sa unang bahagi ng pahayag o isang taludtod.
Halimbawa:
1. Marami tayong natutunan sa pagtuturo ng guro, at tungkulin ng guro ang pagtuturo.
2. Himlay ang tulog ko kagabi, at himlay rin ang aking pahinga.
3. Saan, saan may magandang tanawin. Kung saan ikaw ay maaaliw.

F. Epipora. pag-uulit naman ito sa huling bahagi ng pahayag sa taludtod.
Halimbawa:
1. Ang bata ay marunong magdasal, at ugali niya ang magdasal.
2. Noon siya'y bata pa, ang kanyang pag-iisip ay bata pa. Ngayong malaki na siya asal bata pa rin siya.
3. Si Rosie ay mahina. Kapag maysakit siya ay mahina.

G. Anadiplosis. ang pag-uulit ay nasa una at huli.
Halimbawa:
1. Hindi niya matagpuan ang hinahanap, Hinahanap pa rin niya ito upang matagpuan.
2. Isang magandang bahay ang kanyang kanlungan. Kanlungan din sa taong mababasa ng ulan.
3. Magtala ng mga detalye. Detalye ng inpormasyon.

H. Simili. hindi tuwirang paghahambing ito ng magkaibang bagay, tao o pangyayari pagkat gumagamit ng mga pariralang tulad ng, para ng, gaya ng.
Halimbawa:
1. Tulad siya ng isang mabangong bulaklak kapag aamuyin.
2. Gaya ng damit niya ang damit ko.
3. Kawangis ko siya kapag ako ay nagsasalita.

I. Metaporatuwirang paghahambing sapagkat hindi na gumagamit ng mga nabanggit na parirala sa itaas.
Halimbawa:
1. Ang masayang mukha niya ang nagpapaganda ng araw ko.
2. Isa siyang runner na nagpapatakbo ng buhay ko.
3. Siya'y sakit na hindi ko kayang tiisin.

J. Personapikasyon.
 nagsasalin ng katangian ng tao sa mga bagay.
1. Magalimg kumanta ang ibon.
2. Siya'y langit ng aking buhay.
3. Ang simoy ng hangin ang yumayakap sa akin.

K. Hayperboli.
labis sa paglalarawan ng mga bagay.
Halimbawa:
1. Nahilis ang kanyang sapatos sa kahahabol sayo.
2. Umiyak siya ng dugo nung siya'y nabigo.
3. Nabibiyak ang kanyang puso kapag siya'y nasasaktan.

L. Metonimi.

Halimbawa:
1. Tila sirang palaka kung siya'y makipag-usap.
2. Hindi tumigil ang kanyang bibig sa pagbuga ng usok.
3. Tila isang pagong kung siya'y maglakad.

M. Sinekdoki. 
binabanggit dito ang bahagi bilang pagtukoy sa kabuuan.
Halimbawa:
1. Tinapay para sa pagkain.
2. Bakal para sa baril o patalim.
3. Hingin mo ang kanyang kamay.

N. Eupemismo. 
pagpapalit ng salitang mas magandang pakinggan kaysa sa salitang masyadong matalim, bulgar o bastos.
Halimbawa:
1. Kailangan nating bawasan ang mga empleyado. (Tanggalin sa trabaho)
2. Malakas lumamon si NJ. (Malakas kumain)
3. Papawi pa ang sakit ng kanyang naramdaman.

O. Retorika na Tanong. hindi ito nag hihintay ng kasagutan at hindi rin nagpapahayag ng pag-aalinlangan.
Halimbawa:
1. May magulang bang nagtatakwil ng anak?
2. May kaligtasan pa kaya si Elisa?
3. Papawi pa ba ang sakit na kanyang naramdaman?

P.Klaymaks. paghahanay ito ng mga pangyayaring may papataas na tinig, sitwaston o antas.
Halimbawa:
1. Humagupit ang bagyo kahapon, humupa kinabukasan sa tulong ng kababayan, nabigyan ng pag-asa para bumangon.
2. Sumali, nagpakita ng kakayahan at talento, nanalo sa paliksahan.
3. Nakipagsapalaran sa ibang bansa, nakaranas ng kahirapan, umuwi  na may dalang tagumpay at bagong pag-asa.

Q. Antiklaymaks. paggamit ng mga inihanay na pahayag ng damdamin kaisipan na may maliwanag na impresyon ng pagbaba ng tindi ng kahulugan o ng ideya.
Halimbawa:
1. Alaala nya tila lumayo, nawala at napawi.
2. Nakipaglaban hanggang sa nawalan ng pag-asa.
3. Pagsisikap ng magulang napawi sa pariwarang anak.

R. Oksimoronpaggamit ito ng mga salita o pahayag na magkasalungat.
Halimbawa:
1. Umalis siyang malungkot, masaya siyang umuwi kinabukasan.
2. Pinanganak siyang mahina, malusog siyang lumaki.
3. Taon ng kasaganahan, kahirapan kinabukasan.

S. Ironiya. may layuning mangutya ito ngunit itinatago sa paraang waring nagbibigay-puri.
Halimbawa:
1. Malusog pero lampa naman.
2. Kahanga-hanga naman ang taong ito matapos arugain siya pa ang maninira sa kapwa.
3. Ang kanyangt kasuotan ay tila napakagandang tingnan, at sinusuot ng malaking dambuhala.

T. Paralelismosa pamamagitan ng halos iisang istruktura, itatag dito ang mga ideya sa isang pahayag.
Halimbawa:
1. Pook na karaniwan ay may tanawin ng mga damo at punongkahoy na ginagamit ng taong bayan para pasyalan.(parke)
2. Kailangan natin ang bahay na tirahan, ang damit na kasuotan at ang pagkaing panlaman ng tiyan.
3. Maging mapanglaw, matamlay, ang kanyang nararamdaman. (malungkot)

PAGSASANAY:

Magbigay ng mga halimbawa ng tayutay base sa mga uri nito:

1.
2.
3.
4.
5.

   PREPARED BY: Rose B. Habitan 
                                                       


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento