Ano ang Kahulugan ng RETORIKA?
Ang retorika ay masining na pagpapahayag na may epektibong paggamit sa wika sa mga diskursong pasulat o pasalita. Sukatan ng pagiging epektibo nito na maitawid ang tunay na kahulugan ng pahayag at mahikayat na maniwala ang mga tagapakinig at mambabasa.
Sa pagbasa ng aklat na ito, mauunawaan ng mag-aaral ang:
* Ang Masining na Pagpapahayag
* Wastong Gramatika at Retorika
* Mahusay na Estilo
* Pasalita at Pasulat na Diskurso: Nilalaman at Anyo
* Pagbasa ng Ilang Piling Akda
Idagdag pa rito and dalawang Worksyap sa Pagsulat. Maihahanda ng aklat na ito ang mga estudyante sa mga diskursong pasalita at pasulat, sa loob at labas ng paaralan.
Ang retorika ay masining na pagpapahayag na may epektibong paggamit sa wika sa mga diskursong pasulat o pasalita. Sukatan ng pagiging epektibo nito na maitawid ang tunay na kahulugan ng pahayag at mahikayat na maniwala ang mga tagapakinig at mambabasa.
Sa pagbasa ng aklat na ito, mauunawaan ng mag-aaral ang:
* Ang Masining na Pagpapahayag
* Wastong Gramatika at Retorika
* Mahusay na Estilo
* Pasalita at Pasulat na Diskurso: Nilalaman at Anyo
* Pagbasa ng Ilang Piling Akda
Idagdag pa rito and dalawang Worksyap sa Pagsulat. Maihahanda ng aklat na ito ang mga estudyante sa mga diskursong pasalita at pasulat, sa loob at labas ng paaralan.
LAYUNIN NG RETORIKA
Layunin
ng retorika, anuman ang disiplinang ating kinabibilangan, ang tayo ay
makasulat nang mahusay. Kung kaya't nililinang ng retorika ang
pagkakaroon ng mapanuring kaisipan sa pagbuo ng mga ideya, at makapamahala sa maangking kakayahan. Bagamat nabubuo lamang ng mga sulat, memo, ulat, abstrak, pagsusuri, pamanahong papel (term paper), mgapanuto,
at paghahanda sa mga proposal ng mga proyekto ang malaking bahagdan ng
akademya, tiyak na kakailanganin pa rin ang kahusayan sa pagpapahayag,
bagay na tumutuon sa dalawang pangunahing interbensiyon sa pag-aaral ng
retorika: Kasanayan sa Pagsusulat at Pagsasalita.
Kahalagahan at Kaugnayan ng Retorika at Wika sa iba pang Larangan
Mahalaga
ang retorika sa pang araw-araw na buhay ng tao dahil ito ay nagbibigay
daan sa mga aktibidades na ginagawa ng tao tulad ng pakikipag-usap,
pakikipag-argumento at paghahanap ng impormasyon at kaalaman. Sa
pakikipag-usap, mahalagang sangkap ang retorika upang maipahayag ng
mabuti at komprehensibo ang mga damdamin ng nag-uusap. Mahalaga rin ito
sa pakikipag-argumento dahil ito ay tanda ng pagbibigay diin sa mga
puntong nais na ipahayag. Mahalaga rin ito upang magkaroon ng maayos na
pagkakaintindihan sa pagitan ng dalawang panig na hindi magkasundo sa
iisang pamamaraan o paniniwala. Higit sa lahat, ang retorika ay mainam
na instrumento sa pagkakalap ng impormasyon at pamamahagi nito. Sapagkat
kinakailangan ng tao ang matuto at malinang ang pag-iisip.
- "Ang kahalagahan ng retorika ay maihahalintulad sa mga sangkap o rekado sa isang putahe. Ito'y nakapagbibgay lasa sa isang sulatin o kaya'y kapag ang isang tao ay bumibigkas gamit ang retorika. Nasusukat din dito ang kalaliman ng isang tao. Ito'y pinag-iisipan. Napakasarap pakinggan ng mga salitang ginamitan ng retorika. Nakakaaliw din basahin ang isang sanaysay kapag ito'y ginamitan ng retorika."- (halaw mula sa salaysay ni Shark Shedie)
Edukasyon
- Sa pamamagitan ng retorika, ang isang tao ay nagkakaroon ng pagkakataon na magbigay ng panuto at paglalapat nito sa anumang bagay kung saan nananalamin ang mga natatagong kaalaman nito sa isang paksa. Ang retorika ay nagbibigay rin ng daan upang maayos at mabisang malaman ang mga dapat bagay na dapat matutunan ng isang mag-aaral at magamit ito sa pang araw-araw na pakikipag-ugnayan sa mga kapwa mag-aaral. Tulad ng mga bagay na nabibigyan ng angkop na pangalan at tawag, nalalaman rin sa tulong ng retorikal na pagpapraktis ng komunikasyon ang saysay at gamit nito ng bawat salitang nakakalap sa anumang sanggunian na ginalugad ng isang manggagamit nito. Ang retorika rin ang ginagamit na "medium" ng mga guro sa paghahatid ng mga impormasyon at kaalaman na kinakailangang malaman ng kanilang mga estudyante.
Relihiyon
- Mahalaga ang retorika sa aspetong panrelihiyon sapagkat ito ay isang salik na makakatulong ng malaki sa pagpapalawak ng personal man o biblikal na pananaw ng isang indibidwal upang magkaroon ng kaisahan ang mga magkakasalungat na paniniwala ng bawat mananampalataya na sinala mula sa iba't ibang grupong may kinakatawan na sariling pananampalataya. Ang retorika ay mabisang paraan sa pagsusuplay ng dahilan at pangangatwiran. Ang mga alagad ng simbahan tulad ng mga pari ay masasabing mga retor na kinakailangang magtaglay ng malawak na pag-iisip at mabisang pananalita upang maipahayag ng may paggalang at kabanalan sa mga sumasampalataya ang bawat sentimiyentong biblikal na umaayon sa winika ng Panginoon na kinikilala nito.
Politika
- Ang.. politika ay isang kumplikadong larangan na nananaghoy sa kaibuturan ng isang estado. Kung kaya't sa mga pampolitika na pagkilos sa kontemporaryong lipunan, nangangailangan ng retorikal na paggamit ng salita. Isang kongretong aplikasyon ng salaysay na ito ay ang pangangampanya, sa layuning makakalap ng boto sa pagdating ng halalan. Sa isang kampanya, nagkakaroon ng pagkakataon ang isang kandidato na nagnanais makakuha ng puwesto sa gobyerno upang makapagpabatid ng kanyang mga aspirasyon para sa mga mamamayan ng lugar kung saan ito kumakandidato. Dito nito ipinahahayag ang kanyang mga plataporma na magbibigay ng kaginhawaan sa kanyang mga konstituente sa oras na maluklok sa puwesto. Sa ganitong sitwasyon, ang isang pampolitika na kandidato ay kumukuha ng teknikal na kargamento sa tulong ng retorikal na paraan ng pagpapahayag kung saan siya ay mariin na kumakalap ng mabubulaklak na pananalita upang maakit at maengganyo ang mga botante na suportahan ang kandidatura nito. Sa ganitong pamamaraan, naipapakita ng isang tao, partikular sa konteksto ng isang kandidadto, hindi lamang ang kanyang berbal na abilidad kundi maging ang kanyang angking katalinuhan na siyang magsisilbing benepisyal na asset upang makamit ang kanyang mga adhikain. Ang salitang "mabulaklak", mula sa paraan ng pagkakagamit nito sa teksto ay nangangahulugan ng paggamit ng mga malalalim ngunit mga salitang kaakit-akit sa pandinig ng mga tagapakinig.
Legalidad
- Likas na ang paggamit ng mga teknikal na terminolohiya sa isang pagdinig. Kung kaya't pinagtutuunan sa aspetong ito ang kahalagahan ng retorika sa mga usaping legal. Sa isang pagdinig, mahihinuha ang tipikal na serye ng pagpapalitan ng argumento upang magawa ng isang partido o kampo na patunayan ang akusasyon nito sa isang kampo o kaya naman ay bigyang beripikasyon ang kainosentehan ng isang indibidwal laban sa isang kaso na nakasampa laban dito. Sa normatibong pananaw, makikita ang dalisay na importansiya ng retorika dahil dito umiiral ang katayuan ng isang kaso, ang mga retorikal na panambitan ng isang abogado ang siyang kolektibong datos na ginagamit ng husgado upang ma-determina ang kredibilidad ng isang kampo patungo sa estado kung saan ito ay maghahayag ng kanyang pasya bilang wakas ng isang legal na proceeding. Kadalasan, batay sa mga obserbasyon, nangingibabaw sa isang pagdinig ang kampo na nagtataglay ng mas mahusay na abogado, marahil dahil mas detalyado at komprehensibo ang mga salaysay na naipapaabot nito dulot ng tahasang husay sa pagsasalita.
Kultura
- Ayon sa pilosopiya, ang kaugnayan ng kultura ng isang tao at ng wikang ginagamit niya o ugaling gamitin, ay malapit na malapit. Samakatwid, masusukat ang kultura ng tao sa kadalubhasaan niya sa paggamit ng wika. Gayundin, mahuhulaan ang galing niya sa wika ayon sa tayog ng kanyang kultura. Subalit ito’y batay sa ipinanaday ng edukasyon sa kanya, sa panahon ng kabataan, na kalahok ng tradisyon ng angkan, ng espiritung panrelihiyon, at ng mga paniniwala at perwishong pinagkalakhan. Alinmang wika ay ekspresyon, imbakan-hanguan at agusan ng kultura ng isang grupo ng tao, maliit man o malaki, na may sarili at likas na katangian. Wika ang ekspresyong kakikinlan ng isang kultura, sapagkat ito ang nagbibigay-anyo rito para sa labas, ang siyang nagtatakda ng pagkakaiba at sariling uri nito—ng kanyang pagkakabukod sa ibang kultura: ang kanyang kapagkahan, kung magagamit ang salitang ito, sa daigdig ng mga kaisahang pang-kultura.
Sosyolohiya
- Ang malaking kaugnayan ng wika at sosyolohiya sa isa’t isa ay pinatutunayan ng sosyolinggwistika, isang sangay ng pag-aaral tungkol sa wika na itinuturing na bagong litaw sa panahong ito subalit kung tutuusi’y halos kasintanda na ng panahon. Ito ay buhat sa salitang socius at linggwistika. Ang socius ay salitang Latin na nangangahulugan ng interaksiyon,pakikisalamuha, pakikibagay at pakikipamuhay ng tao sa kapwa tao. Ito ang bahaging tumutukoy sa kasangkapang ginagamit ng tao sa pagpapahayg ng kanyang iniisip at narararamdaman upang malaman ng iba kung ano ang mga ito. Isang uri ng pagpapahayag na gagamitan ng kombinasyon ng mga tunog na tinatawag na mga salita—salitang may kaugnay na sariling kahulugan, Kahulugang tinataglay ng salita bunga ng pagkakisa ng mga kailangang magkaintindihan.
- PREPARED BY: Padilla, Robin M.
Laking tulong 😊 Salamat
TumugonBurahinmaraming salamat :)
TumugonBurahinMaraming Salamat po!
TumugonBurahinthank you po
TumugonBurahinLaking tulong po samin to salamat po sa inyo
TumugonBurahinMaraming salamat po!
TumugonBurahinMaraming salamat po!
TumugonBurahinSamalat po
TumugonBurahinSamalat po
TumugonBurahinSamalat po
TumugonBurahinSaan pong libro galing ito
TumugonBurahinMarami pong salamat sa imprmasyong ito
TumugonBurahinSalamat po
TumugonBurahinVery helpful
TumugonBurahinThank you po.. Ang laking tulong
TumugonBurahinThank you po
TumugonBurahinThank you so much♥️
TumugonBurahinSalamat😊
TumugonBurahinMaraming salamat po🙂
TumugonBurahinSalamat sa pamamahagi ng inyong pong alam sa retorika
TumugonBurahinMaraming salamat po
TumugonBurahinThank much❤️
TumugonBurahinNatatawa po ako sa Robin Padilla HAHAHHAH. Pero, maraming salamat po.
TumugonBurahinSalamat po sa impormasyon ☺️
TumugonBurahinThank you so much for the info
TumugonBurahin