Miyerkules, Oktubre 14, 2015

RETORIKA: SALAWIKAIN AT SAWIKAIN




Kaibahan ng Salawikain at Sawikain


Mga Halimbawa ng Salawikain (Tagalog Proverbs)

Salawikain

Ang salawikain ay binubuo ng mga parirala sa anyong patula na karaniwang naghahayag ng mga gintong aral. Ang mga salawikain, kawikaan, kasabihan, wikain, o sawikain ay mga maiiksing pangungusap na lubhang makahulugan at naglalayong magbigay patnubay sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Naglalaman ito ng mga karunungan.
 Pinaniniwalan na ang mga salawikain ay kasabihan ng ating mga ninuno na patuloy na nagpasalin-salin hanggang makarating sa ating makabagong henerasyon. Nabuo ang mga salawikain o kasabihan ng ating mga ninuno na may makatang kakayahan o kaisipan at nakapagbibigay ito ng aral, paala-ala o gabay sa mga kabataan upang maiwasto ang mga pamantayan ng pamumuhay. Dahil sa salawikain o kasabihan ay naitatanim sa kaisipan ng mga kabataan ang kabutihang asal, kadakilaan, pagmamahal sa bayan at sa kapwa tao, maging sa paglilingod sa Diyos na sinasampalatayanan natin na siyang nagpapala sa kaniyang mga nilikha.


Mga Halimbawa ng Salawikain

Mga Salawikain patungkol sa pakikisama, pakikipag-kaibigan at pakikipag-kapwa tao.
1. Puri sa harap, sa likod paglibak

2. Kaibigan kung meron, Kung wala'y sitsaron

3. Ang tunay mong kaibigan, nasusubok sa gipitan

4. Matabang man ang paninda, matamis naman ang anyaya

5. Kapag tunay ang anyaya, sinasamahan ng hila

6. Walang paku-pakundangan, sa tunay na kaibigan

7. Hindi sasama ang pare, kundi sa kapwa pare

8. Matapang sa kapwa Pilipino, susukot-sukot sa harap ng dayo

9. Ang taong tamad, kadalasa'y salat

10. Mag-aral kang mamaluktot habang maigsi ang kumot

11. May pakpak ang balita, may tainga ang lupa

12. Sagana sa puri, dukha sa sarili

 Mga Salawikain patungkol sa kabutihan, kabaitan, kagandahang asal, pagpapakumbaba at pag-ingat.
1. Ang ibinabait ng bata, sa matanda nagmula

2. Ang magandang asal ay kaban ng yaman

3. Pagsasama ng tapat, pagsasama ng maluwat

4. Ang may malinis na kalooban ay walang kinatatakutan

5. Ang mabuting halimbawa, ay higit na mabisa kaysa pahayag na dakila

6. Ang katotohana'y kahit na ibaon, lilitaw pagdating ng takdang panahon

7. Ang ibinabait ng bata, sa matanda nagmula

8. Magbiro ka sa lasing, huwag sa bagong gising

9. Bago mo sikaping gumawa ng mabuti, kailangan mo munang igayak ang sarili

10. Ang lumalakad ng marahan, matinik man ay mababaw. Ang lumalakad ng matulin, kung matinik ay malalim

 Mga salawikain patungkol sa mga pangako at ka kawalan ng kaya.
1. Buhay-alamang, paglukso ay patay

2. Kasama sa gayak, di kasama sa lakad

3. Ang tao na walang pilak, parang ibong walang pakpak

4. Ang hindi tumupad sa sinabi, walang pagpapahalaga sa sarili

5. Gaano man ang iyon lakas, daig ka ng munting lagnat

Mga iba pang Salawikain
Nasa Diyos ang awa,nasa tao ang gawa.

Kapag ang tao'y matipid,maraming maililigpit.

Ano man ang gagawin, makapitong iisipin.

Ang hindi napagod magtipon, walang hinayang magtapon.

Madali ang maging tao, mahirap magpakatao.

Ang tunay na anyaya, sinasamahan ng hila.

Ang magalang na sagot ay nakakapawi ng poot.

Ang gawa sa pagkabata,dala hanggang pagtanda.

Pag di ukol, ay di bubukol.

Kung sino ang masalita ay siyang kulang sa gawa.

Daig ng maagap ang taong masipag.

Ako ang nagbayo ako ang nagsaing saka ng maluto'y iba ang kumain.

Ubus-ubos biyaya, pagkatapos nakatunganga.

Kung sino ang pumutak ay siyang nanganak.

Magsama-sama at malakas, magwatak-watak at babagsak.

Matibay ang walis, palibhasa'y magkabigkis.

Walang palayok na walang kasukat na tungtong.

Sa taong walang takot, walang mataas na bakod.

Marami ang matapang sa bilang, ngunit ang buo ang loob ay kulang.

Kung ano ang puno, siya ang bunga.

Kung walang tiyaga, walang nilaga.

Kung may tinanim, may aanihin.


PREPARED BY:  Mia Princess Rey

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento