Miyerkules, Oktubre 14, 2015
RETORIKA: SALAWIKAIN AT SAWIKAIN
Kaibahan ng Salawikain at Sawikain
Mga Halimbawa ng Salawikain (Tagalog Proverbs)
SalawikainAng salawikain ay binubuo ng mga parirala sa anyong patula na karaniwang naghahayag ng mga gintong aral. Ang mga salawikain, kawikaan, kasabihan, wikain, o sawikain ay mga maiiksing pangungusap na lubhang makahulugan at naglalayong magbigay patnubay sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Naglalaman ito ng mga karunungan.Pinaniniwalan na ang mga salawikain ay kasabihan ng ating mga ninuno na patuloy na nagpasalin-salin hanggang makarating sa ating makabagong henerasyon. Nabuo ang mga salawikain o kasabihan ng ating mga ninuno na may makatang kakayahan o kaisipan at nakapagbibigay ito ng aral, paala-ala o gabay sa mga kabataan upang maiwasto ang mga pamantayan ng pamumuhay. Dahil sa salawikain o kasabihan ay naitatanim sa kaisipan ng mga kabataan ang kabutihang asal, kadakilaan, pagmamahal sa bayan at sa kapwa tao, maging sa paglilingod sa Diyos na sinasampalatayanan natin na siyang nagpapala sa kaniyang mga nilikha.Mga Halimbawa ng SalawikainMga Salawikain patungkol sa pakikisama, pakikipag-kaibigan at pakikipag-kapwa tao.1. Puri sa harap, sa likod paglibak2. Kaibigan kung meron, Kung wala'y sitsaron3. Ang tunay mong kaibigan, nasusubok sa gipitan4. Matabang man ang paninda, matamis naman ang anyaya5. Kapag tunay ang anyaya, sinasamahan ng hila6. Walang paku-pakundangan, sa tunay na kaibigan7. Hindi sasama ang pare, kundi sa kapwa pare8. Matapang sa kapwa Pilipino, susukot-sukot sa harap ng dayo9. Ang taong tamad, kadalasa'y salat10. Mag-aral kang mamaluktot habang maigsi ang kumot11. May pakpak ang balita, may tainga ang lupa12. Sagana sa puri, dukha sa sariliMga Salawikain patungkol sa kabutihan, kabaitan, kagandahang asal, pagpapakumbaba at pag-ingat.1. Ang ibinabait ng bata, sa matanda nagmula2. Ang magandang asal ay kaban ng yaman3. Pagsasama ng tapat, pagsasama ng maluwat4. Ang may malinis na kalooban ay walang kinatatakutan5. Ang mabuting halimbawa, ay higit na mabisa kaysa pahayag na dakila6. Ang katotohana'y kahit na ibaon, lilitaw pagdating ng takdang panahon7. Ang ibinabait ng bata, sa matanda nagmula8. Magbiro ka sa lasing, huwag sa bagong gising9. Bago mo sikaping gumawa ng mabuti, kailangan mo munang igayak ang sarili10. Ang lumalakad ng marahan, matinik man ay mababaw. Ang lumalakad ng matulin, kung matinik ay malalimMga salawikain patungkol sa mga pangako at ka kawalan ng kaya.1. Buhay-alamang, paglukso ay patay2. Kasama sa gayak, di kasama sa lakad3. Ang tao na walang pilak, parang ibong walang pakpak4. Ang hindi tumupad sa sinabi, walang pagpapahalaga sa sarili5. Gaano man ang iyon lakas, daig ka ng munting lagnat- Mga iba pang SalawikainNasa Diyos ang awa,nasa tao ang gawa.Kapag ang tao'y matipid,maraming maililigpit.Ano man ang gagawin, makapitong iisipin.Ang hindi napagod magtipon, walang hinayang magtapon.Madali ang maging tao, mahirap magpakatao.Ang tunay na anyaya, sinasamahan ng hila.Ang magalang na sagot ay nakakapawi ng poot.Ang gawa sa pagkabata,dala hanggang pagtanda.Pag di ukol, ay di bubukol.Kung sino ang masalita ay siyang kulang sa gawa.Daig ng maagap ang taong masipag.Ako ang nagbayo ako ang nagsaing saka ng maluto'y iba ang kumain.Ubus-ubos biyaya, pagkatapos nakatunganga.Kung sino ang pumutak ay siyang nanganak.Magsama-sama at malakas, magwatak-watak at babagsak.Matibay ang walis, palibhasa'y magkabigkis.Walang palayok na walang kasukat na tungtong.Sa taong walang takot, walang mataas na bakod.Marami ang matapang sa bilang, ngunit ang buo ang loob ay kulang.Kung ano ang puno, siya ang bunga.Kung walang tiyaga, walang nilaga.Kung may tinanim, may aanihin.
- PREPARED BY: Mia Princess Rey
RETORIKA: WASTONG GAMIT NG SALITA
- Nang at NgAng wastong paggamit ng ng at nang ay ang isa sa mga hindi masyadong napagtutuunan ng pansin ng marami sa atin, sa ating pagsusulat. Mababatid na naiiba ang kahulugan ng pangungusap kung nabaliktad ang ating paggamit sa ngat nang, kaya mahalagang malaman ang wastong paggamit ng mga ito.Sa lesson na ito, ang ituturo ng may-akda ay ang shortcut para malaman kung ano ang dapat gamitin sa ng o nang sa isang pangungusap. Ang mga sumusunod ay ang mga pagkakataon kung kailan kailangang gamitin ang nangang sa isang pangungusap:
- Kung ang sumusunod na salita ay pandiwa (verb).
- Pag-uulit ng pandiwa
Halimbawa:
Talon nang talon ang mga bata.
Lipad nang lipad ang mga kalapati.
Ibang halimbawa:
Nasaktan si Gorrio nang iwanan siya ng kanyang kasintahan.
Biglang nagkagulo ang mga tao nang lumabas sa pinto si Lovi Poe.
- Kung ang sumusunod na salita ay pang-uri (adjective).
Halimbawa:
Ang lumakad nang matulin kung matinik ay malalim.Sumuko nang mahinahon ang mga pugante.
- Kung gagamitin sa unahan ng pangungusap.
Halimbawa:
Nang lumalim ang gabi ay nagsimulang mag-uwian ang mga bisita.Nang umapaw ang tubig sa ilog ay nagsimulang lumikas ang mga residente.
- Ang nang ay ginagamit bilang pinagsamang na at na.
a. Aalis ka nang hindi nagpapaalam? (Aalis ka na na hindi nagpapaalam?)b. Gawin mo nang hindi nagrereklamo. (Gawin mo na na hindi nagrereklamo.)c. Ang uniporme ay itiniklop nang hindi pa pinaplantsa. (Ang uniporme ay itiniklop na na hindi pa pinaplantsa.)
Sa ibang mga hindi nabanggit sa itaas na pagkakataon ay automatic na ng ang dapat gamitin.
Mga Halimbawa:
Ang bahay na ito ay pagmamay-ari ng mga Hernandez.Si Benedict ang kumuha ng halabas kanina.Binilisan ng bata ang paglalakad sapagkat siya ay natatakot.Si Marlon pinag-uusapan ng kaniyang mga kaibigan dahil sa kabahuan niya.Kung at KongKUNGBilang pangatnig na panubali sa hugnayang pangungusapHalimbawa:Mayaman na sana si Tiyo Juan kung naging matalino lamang sana siya sa paghawak ng pera.KONGGaling sa panghalip na panaong ko at inaangkupan ng ng.Halimbawa:Nais kong pasalamatan ang lahat ng dumalo sa pagdiriwang ng aking kaarawan.May at MayroonWastong gamit ng MAYü Ginagamit ang may kapag sinusundan ng pangngalan.· May pera ka ba?· Lahat sila ay may regalong matatatanggap.ü Kapag sinusundan ng pandiwa· May sasabihin ko sa’yo.· May pupuntahan ako sa Sabado.ü Kapag sinusundan ng pang-uri· May mahalagang bagay kang dapat matuklasan.· Maymagandang anak si Mang Jose.ü Kapag sinusundan ng panghalip na panao sa kaukulang paari· Bawat miyembro ay may kani-kanilang hinaing.· Bawat tao ay may kanya-kanyang problema sa buhay.· Masayang ipinagdiriwang ang pista roon sa may amin.Wastong gamit ng Mayroonü Kapag may napapasingit na kataga sa salitang sinusundan nito.· Mayroon pa bang magsasalita ukol sa paksang ito?· Mayroon po kaming isusumbong sa inyo.· Si Marvin ay mayroon ding magagandang katangian tulad ni Joseph.ü Ginagamit na panagot sa tanong.· May bagyo ba?–Mayroon.· May takdang aralin ka ba ? -Mayroonpo.· May maasahan ba akong tulong sa kanya? –Mayroon naman.ü Ginagamit kung nangangahulugang ng pagka-may kaya sa buhay· Hindi magandang magpanggap na mayroon sapagkat matutuklasan din sa bandang huli ang totoong kinatatayuan sa buhay.· Ang mga Morales ay mayroonsa bayan ng Dolores.Wastong paggamit ng Subukin at SubukanSUBUKINü Ang subukinay nangangahulugan ng pagsusuri o pagsisi-yasat sa uri,lakas o kakayahan ng isang tao o bagay.· Subukinmong gamitin ang sabong ito at baka hiyang sa iyo.· Subukinmong kumain ng gulay at prutas upang sumigla ka.· Susubukinng mga mga tagalalawigan ang galing ng mga tagalunsod.SUBUKANü Ang subukanay nangangahulugan ng pagtingin upang malaman ang ginawa ng isang tao o mga tao.· Subukanmo siya upang malaman mo ang kanyang sekreto.· Ani Erap noon, “Wag n'yo akongsubukan!”.· Subukanmo ang iyong kasintahan hanggang sa makarating sya sa kanyang paroroonan.Wastong paggamit ng Pahiran at PahirinPAHIRINü Angpahirinay nangangahulugan ng pag-alis o pagpawi sa isang bagay,alisin ang bagay.· Pahirin mo ang iyong pawis sa noo.· Pahirin mo ang iyong uling sa mukha.PAHIRANDalawaang maaaring ibigay na kahulugan ng pahiran.1.Ang lunan o bahagi ng lunan o bagay na pinanggagalingan ng bagay na pinahid. Sa ganitong gamit ang pahiran ay may layon.2. Nagagamitdin angpahiransakahulugangpaglalagayngkauntingbagayat karaniwanay sabahagingkatawan.· Pahiran mo ng vicks ang aking likod.· Pinapahiran ng langis ng dalaga ang kanyang buhok.· Bakit mo pinapahiran ng alkohol ang iyong mga kamay.Wastong gamit ng Operahin at OperahanOPERAHINü Tinutukoy ng operahin ang tiyak na bahaging tinitistis.· Ang mga mata ng matanda ay ooperahin bukas.· Kailan nakatakdangoperahin ang iyong bukol sa dibdib?· Ooperahin na ang bukol sa tuhod ni Ernani.OPERAHANü Tinutukoy nito ang tao at hindi ang bahagi ng katawan.· Ooperahanna ng doktor ang naghihirap na may sakit.· Inoperahanna si Emil kahapon.· Si Vic ay kasalukuyanginooperahansa pagamutan ng St.Luke.Wastong gamit ng Rin, Raw, Daw at DinRIN at RAWü Ang mga katagang rinat raw ay ginagamit kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa patinig at sa malapatinig naw aty.· Tayo ay kasamarinsa mga inanyayahan.· Ikawrawang napipisil ng mga hurado na kakatawan sa ating pamantasan.· Sasakay rawsiya sa unang bus na daraan.DIN at DAWü Angdinatdaway ginagamit kung ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa katinig maliban sa wat y.· Takotdinsiyang magsinungaling kagaya mo.· Masakit dawang ulo ni Marlon kaya hindi siya nakapasok sa klase.· Malakas dinang patahian nila katulad ng patahian ninyo.Wastong paggamit ng kung ‘di, kung di at kundi· Ang kung'di ( if not) ay pinaikling kung hindi.· Ang kungdi ay di dapat gamitin. Walang salitang ganito.· Ang kundi ay kolokyalismo ng kung'di.· Kung'di ka sana mapagmataas ay kaibigan mo pa rin si Louela.· Walang makakapasok sa gusali kundi ang mga empleyado lamang.Wastong gamit ng KINA at KILAü Angkinaay panandang pangkayarian sa pangngalan katulad ng sina.ü Walang salitang kilasa Balarilang Filipino.ü Ang paggamit ng kila ay karaniwang pagkakamali.· Papunta na kami kina Ms. Katipunan.· Kina Malou gaganapin ang pagdiriwang.· Malayo ba rito ang kina Riza at Ronie?Wastong paggamit ng Pinto at Pintuanü Ang pinto (door) ay bahagi ng daanan na isinasara at ibinubukas. Ginagawa ito upang ilagay sa pintuan.· Isinara niya ang pinto upang hindi makapasok angt lamok.ü Ang pintuan (doorway) ay ang kinalalagyan ng pinto. Ito rin ang bahaging daraanan kapag bumukas na ang pinto.· Nakaharang sa pintuan ang paso ng halaman kung kaya't hindi niya maisara ang pinto.Wastong paggamit ng Hagdan at Hagdananü Anghagdan (stairs)ay mga baytang at inaakyatanat binababaan sa bahay/gusali.· Mabilis niyang inakyat ang hagdan upang marating ang klinika.ü Ang hagdanan ( stairway) ay bahaging bahay na kinalalagyan ng hagdan.· Matitibay ang hagdanan ng kanilang bahay kaya hindi gumuho ang hagdan niyon matapos ang lindol.Wastong gamit ng Iwan at Iwananü Ang iwan (to leave something) ay nangangahulugang huwag isama/dalhin.· Iwan nalang niya ang bag niya sa kotse ko.ü Ang iwanan (to leave something to somebody) ay nangangahulugang bibigyan ng kung ano ang isang tao.· Iwanan mo 'kong perang pambili ng pananghalian.Wastong paggamit ng Tunton, Tungtong at Tungtong.ü Ang tungtong ay panakip sa palayok o kawali.· Hindi Makita niMang Efren ang tungtong ng palayok sa kusina.ü Ang tuntong ay pagyapak sa anumang bagay.· Tumuntong siya sa mesa upang maabot ang bumbilya.ü Ang tunton ay pagbakas o paghanap sa bakas ng anumang bagay.
Hindi komatuntong kung saan na nagsuot ang aming tuta
PREPARED BY: Crisian Jane Husain
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)